There’s this new thing hitting the street lately, artists randomly rapping on the streets allowing each artist to spit their verses, showcasing their lyrical prowess for the crowd to appreciate and enjoy, it is called “Rekta sa Kalye“. I interviewed sir Droppout Maragisan who originated the movement, so let’s learn from it below:


PHS: 
Im curious with Rekta sa kalye, can you tell me more about it?

Droppout: Yo phs good day, Salamat sa pagiging curious sa Rekta sa kalye, Rekta sa kalye is an Urban Street Performance Movement na ginawa namin 2 months ago. Nung una PSG (Pang Sariling Gamit) lang ito, isa lang lang syang plain na speaker na gusto naming gamitin para makapagtanghal sa kalye kaso nung ilang araw nakalipas naisip ko “parang nakakaumay kung kami nalang palagi “kaya napag desisyunan ko na magsama ng mga tropa, mga tropa sa Manilafornia, 357 Pro, Baryo Berde at 727 Clique.

Habang tumatagal di ko akalain na ang daming sumusuporta sa tuwing nag fb live kami kada performance , Hanggat sa ayun inaabangan na sya ng tao kada linggo
Then nagrerequest sila na dayuhin namin sila sa lugar nila

PHS: When and how did you come up with that idea?

Droppout: 2 months ago, Naging rekta sa kalye sya kasi sabi ni Omar Baliw ng Highminds “Bakit hindi gawing movement ito gawan ng page” so ayun gumawa nga ko at kada rektahan Facebook Live ng page ang gamit hanggat sa in 2 months time di namin inexpect na susuportahan sya ng 12k na tao..

Rekta Sa Kalye
Rekta Sa Kalye

PHS: Wow in 2 months time lumaki agad, I have high hopes lalaki pato so bali ano part dito ni Omar Baliw? Do you have any roster of talents? O random lang to and anyone can join?

Sa tingin mo sir along magiging goal ng group or movement nito to our Local Hiphop scene?

Droppout: Ang part ni Omar dito is nagiinom kami, sabi nya bakit di mo kaya gawan ng page to at gawan ng name? Walang specific na roster or talent ang rekta basta mga tropa lang na willing magperform at pwede magperform ang iba na di nakaline up basta after lahat ng sets.

Rekta Sa Kalye
Rekta Sa Kalye, Pinoy Hiphop Superstar
 

PHS: Anong future goal ng group sir, how do u see the movement maybe 2-3 years from now?

Droppout: 

Ang goal ng movement is to give a chance sa mga unheard emcees at mga emcees na di mabigyan ng chance makapagperform sa mga malalaking events so Rekta is making its own stage which is ang “Kalye“.

2 to 3 years from now sana mas malakas na tayong lahat at magbukas ng maraming pinto para sa mga pinoy rappers na ginawang trabaho na ito

PHS: Where could we find your schedule? San usually ito ginaganap?

 
 

Droppout: Sir makikita lang ito sa page ng Rekts (Rekta sa kalye) pero minsan nagkakaroon kami ng secret leg meron din secret Rekta Indoor Session

PHS: Any message to young cats out there who wants to showcase their skills?

Droppout: Nandito lang ang Rekta para sa Pinoy HipHop

Rekta Sa Kalye
Rekta Sa Kalye, Urban Street Performance

 

PHS: Kindly give your shout out to all your supporters and friends.

Droppout: Shoutouts to 357 Pro, 727 Clique Baryo Berde fam (Team Loyal) at sa lahat ng mga kaibigan at fans na walang sawang rumerekta kahit madalas napupulis na tayo sa ingay at dami natin sa kalye.  Pashoutout din kay Lester G na videographer ng Rekta Sa Kalye

PHS: Maraming salamat sa oras sir, I’m looking forward to getting to see this live one time, Thank you!

Droppout: Maraming salamat din PHS more power 

Rekta Sa Kalye
Rekta Sa Kalye 
 
Courtesy of Corpula Tv