Asha: Sa mga kantang naisulat mo alin dun yung sa tingin mong nag describe sayo bilang artist?
Jay Flava: nagsimula ako mag rap noong 1993 kasama sila Paul Macapagal mga hiphop heads kami ng Novaliches. Kasama ang grupo ng Funkadelic Tribe at Modular Display. Ang pangalan ko pa noon ay Emcee PJ. 1995 nang mabinyagan ako sa pangalang Jay Flava dahil sa pag sali ko sa Drive by show ni Kuya Andrew E. Sa Dm 95.5 naging 3 time rap battle Champion ako noon on air hangang sa natalo ako ni Syke sa ikaapat na laban. Then kinuha na ako ni Kuya Andrew para mag sign sa Dongalo Wreckords. Pinakamalaking influence ko ay ang Public enemy kung saan hinango ang pangalan ko (Flava Flav)
Malaking influence din sakin ang mga Soul Assasins (house of pain,cypress hill,funkdoobiest at fatal) roots ko din ang Black sabbath,Led Zeppelin,VanHalen,Iron Butterfly ACDC at The Doors.
More on rock ang influence ko.
Lahat ng kanta ko ay ako.. mula sa bolanchaw hanggang sa mga bagong kanta ko na “cras kita” Ang bolanchaw ay kinompose ko noon para sa mga rocker or punks na bulag sa musika ng hiphop..back then makitid pa ang pang unawa ng dalawang kampo.. magkaaway ang punks at hiphop hehe ..mga nalatag ko na “alien breed” “venomous” ay tunkol sa aking longevity sa larangan ng rap..
At ang mga bago ko g kanta sa bandankong “The Lowkey Ninjas”
Ay tunkol sa nangyayari saaking buhay buhay. Kaya masasabi ko ang lahat ng aking kanta ay ako mismo.
Asha: Sa tagal ng panahon na nawala ka sa eksena bakit ka nag laylow?
Jay Flava: Nagka pamilya kasi ako. Nag asawa at nagka anak.
Nag negosyo muna ako para maging stable. Inuna ko muna ang pamilya ko, ayun nagpapa aral ako ng anak.. hindi nagutom ang pamilya ko kahit minsan..
At nung lumago ng garbo ang negosyo ko at stable na ako saka ako bumalik upang ipagpatuloy naman ang hinahanap ng aking puso.
Asha: Anong rason bakit ka nagbalik sa industriya ng Hiphop?
Jay Flava: Nangako ako sa isang tao na hindi na kakanta muli.. dahil akala ko sya na ang puso ko…Nagkamali ako.. musika pala talaga ang puso ko..
Asha: Sa tingin mo ba mas lumakas ang hiphop ngayon kesa noon? bakit kaya?
Jay Flava: Sobrang lakas lalo na sa mga bagong grupo at movement gaya ng rekta sa kalye at baryo berde sobrang natutuwa ako sakanila Eto na yung solid hiphop na pinapangarap namin dati.
Ang kalidad ng hiphop ngayon ay sobrang tayog lalo na yung mga kanta ng aking kaibigang sila James Reid,Bret Jackson,Sam Concepcion,Shanti Dope,Curtismith at madami pa. Solid.
Asha: Palagay mo ba mas mag stay ka for good? or Kung gagawa ka ng kanta with someone sino? Collaboration?
Jay Flava: Andito lang naman ako hindi mawawala pero wala din malaking hakbang dahil busy na ako sa business meron akong restaurant at sneaker shop na inaasikaso pang libang na lang ang musika.
Tumutulong ako ngayon sa mga kaibigan ko..
Nag ssponsor ako ng shoes sa mga artists na malapit sa akin gaya nila Mike Swift Dj Mick at Emcee Dash.
Ngayon ssponsoran ko naman ang bagong show nila loonie na “break it down”.
Hindi man ako nag rarap masyado,ang supporta ko sa hiphop ay hindi mawawala.
Asha: Kung mga mga pasasalamatan ka this is your time to give your shout outs
Jay Flava: Abra, Apekz, Franchize, Loonie, Ron Henley, Syke, Georgy porgy, Rekta sa Kalye, Baryo Berde lalo na sa aking pamankin na si AlJames, Mike Swift, Shanti dope Klumcee, The lowkey Ninjas, Tattoo project, Brownman revival, Statik girls, Ron DeVera
Tomato Kicks, Collectors pad, Jp unlimited, Kr8 mnl, Dz clothing, Thief cartel, Grayhouse manila, Mad monkey, Goodguys clothing