Omar Baliw PO
Isa sa mga kalidad na rapper para samin si Omar Baliw and daym! napaka halimaw na niya ngayon. It’s like listening to Bugoy na Koykoy, mala hustler’s music ang tema. Both of them have this distinctive voice that will set them apart from other Pinoy rappers.
Sound Check
1st track
Isang blankong papel, susulatan
Kukulayan ng walang susugatan
Bitbit ko ay pag ibig, kapayapaan
Saksi ang mga bituin sa kalawakan
Isang malakas na intro/starting track para sa album na ito. Just a good vibing song to start the album.
Di Na Babalik
2nd track
Ako’y ligaw sa kalawakan, ‘di na babalik
Kung ang usapan kasikatan, ‘di nasasabik
“Galing sa wala at hindi na babalik“, sabi ni Omar Baliw. Here he narrates the earlier days, the rags to riches story and papano siya maliitin ng both tao and tadhana pero wag ka, sobrang close na sila ng pera na parang may reslasyon.
Pupunta sa buhay na hinahangad ng lahat
Omar Baliw kalmado lang, ngayon hindi na salat
Kung san araw araw parang bakasyon
Sobrang close kami ng pera parang may relasyon
Ganun Talaga
3rd track
Itchapwera sa tabi kapag ‘di pa kilala
Pag hitik na ang bunga, binabato na
Kase nga ganun talaga
Simpleng patama ni Omar sa mga hindi naniwala sa dream niya before and when Omar did hit the jackpot, common Pinoy mentality plays na parang ang bango mo bigla sa kanila pero yun nga, as Omar says, ganun talaga parang lines din ni 2Pac sa Changes, “that’s just the way it is…” di na maiiwasan ito lalo coming from him who rose to the top. Nag tanong na nga lang daw if ilan na ang tsikot ni Omar sa huli.
Walang mararating, yan ang sabi ng ilan
Ngayon ang tanong nila, ung kotse kung ilan
Walang Himala
4th track
Hindi nakuntento sa hawak gusto mas malaki
Pero kahit ganun hindi natuto magmalaki
Kung anong meron ako ay para yon sa lahat
Lahat ng naniwala sa aking pag angat
If it means na walang himala then comes walang imposible and this track tells how he did it and not give up on his dreams: Ako’y nangarap lang din tulad mo, nanggaling sa wala. Hustler na hustler dito si Omar at the same time how he encourages you to subok lang ng subok, bawal ang umayaw, kung sa track pa ni Bugoy, daming pera jan bakit di mo kinukuha.
Walang Titigil
5th track
Kaya wag mong tan tanan, daanan ang lahat at wag mong tambayan
Pasasan pa’t tayo dadating din, mga sugat ng kahapon ay gagaling din
I love the encouragement behind the song. Damang dama mo si Omar dito na obviously, hindi tumigil and patuloy sa pag abante. Isa ‘to sa paborito kong track sa Omar Baliw Po Album.
Alam ko biyahe at routa
Nasunog sa araw, di kailangan ng gluta
Isama mo pa itong mga spoken ni Omar, tangina, very straight forward and talagang gagawin mo nalang talaga eh…
Umpisa palang alam mo na dapat ung misyon mo, alam mo na ung pupuntahan mo, alam mo na ung kukunin mo
Walang dahilan, walang dahilan para tumigil ka
Alam ko una palang kung san ako pupunta… Alam ko gusto kong mangyare
Walang Wala
6th track
Spoken word track na punong puno agad again ng meaningful words ni Omar samahan mo pa ng spoken-hook ni Syke. Nilaro-laro ung salitang “wala” sa track na ito:
Walang hanggang pangarap, walang hanggang tingin nalang
Walang mga lakad na walang unang hakbang
Walang kapansanang hadlang sa pagkamit ng inaasam
Sa pagamit ng talino, makakamtan
Overall ang ganda sa tengga nung track and kayang kaya din palang mag spoken ni Omar, makasabay sa ganitong style, one of my favorite tracks. The voice of Syke adds tenacity to the feel of the song.
Libre mangarap pero may bayad ung mga sangkap
Bago mo matikman ung pinaghirapan mo, daming dadaanang masaklap
Madaming Dahilan
7th track
“Madaming dahilan upang laging galingan”. Dahilan will be obviously the why’s or reasons bakit mo ginagawa ung mga bagay na iyon. Ayan yung mismong mag e-encourage sayo to move forward, walang titigil.
Sa mga na unang tracks, alam mong life story ito ni Omar Baliw, real-life accounts of Omar Baliw.
Pagkatapos
8th track
Kalmado at banayad, pagkatapos ng lahat sabi ni Omar. Mala storytelling din itong Omar Baliw Po Album. I guess after all his hardships, there will be a rainbow at the end ika ng Pagkatapos track and this entire album speaks of it. Sabi nga niya sa Walang Wala, malamang wala siya o wala ito if madali siya nag give up and bet he wouldn’t see how successful he is or he can be if he did so.
Pasagip
9th track
Buti nalang may ron pakong pampakalma
Meron pang natitira, mga bagay na pampasaya
Dahilan kung bakit gumagawa ng mga kantang pang inspira
Kinakailangan pa esplika, sindihan mo nalang indica
Guessing the track tells about Mary Jane and Omar Baliw. How this natural-walang-halong-kemikal been a part of his journey and the one who he seeks refuge in challenging times.
Walang Iba
10th track
Diskarte na walang katulad walang iba
Di pwedeng ihantulad, walang iba
This what I mostly like in the type of hip-hop music like this. Iba kasi mindset ng mga hustlers tulad ni Omar o kaya nila Bugoy, Ives. Since straight up hustlin’ nga sila nahahaluan ito ng tema ng entrepreneurship and those motivational drives to make you a millionaire or strike a sudden change in your life. Tama sabi ng track eh,
Walang ibang gagalaw kungdi ikaw
Walang ibang gagawa kungdi ikaw
Ikaw lang ang pinaka factor o ikaw lang makapagpabago sa takbo ng life mo, men. Walang ibang sisisihin din, kung ‘di, ikaw.
Omar Baliw one of a kind, walang iba
Araw araw aking grind, walang iba
Walang kong choice kungdi yumaman, walang iba
Mula noon ako’y lumaban, walang iba
Ballin’
11th track
Araw araw, ballin’ ballin’
Pera pera, habulin-bulin
Kukuhain lang ung para sakinKukuhain lang ung para sakin
Eto na mismo, title palang BALLIN’, you know that some hustler’s shit going on there!
Mula sa baba ang aking pinangalingan
Omar Baliw walang choice, kungdi galingan
Ako’y sanay sa wala pero aking lalagyan
At kung ang utak mo mabagal, ay mag la-lag yan
Sarap sana itandem dito si Bugoy para sakin, I know they have some track together pero imagine if the 2 Joints Underground King was included in this track tapos mga smooth hook ni Ives, tangina sarap nun!
Kilala ko ang sarili, alam ko ang halaga
Purong karanasan naririnig sa aking kataga
R.O.T (Right on Time) featuring C.L.R
12th track
Last track and definitely not the fucking least. May CLR sa track, mayn! alam mo yan if you’re a fan, that tracks gotta be fire. Sarap ng combination ni Omar and CLR dito. Pinaka fave before pa nung music video.
Ang daming plano, ‘di ako mapakale
Kahit anong para, di ako mapatabi
Nag iiba ung flow and feel ng kanta pag may CLR sa track. I had my own prediction nung una ko talaga narinig ung Rest Day, puta may malaking potential itong CLR na ito. Low key pa noon si CLR pero sa music video na iyon, impossibleng hindi ma reach ng marami and look at him now, making hits of his own from Wish Bus performances, Hellasolid, papunta sa Barcode ni Pricetagg and now OMAR BALIW PO ALBUM. Sana nababad pa sa ibang track si sir CLR, ang bangis niyong dalawa, promise!
Madiskarte lang kame at masipag, malamang
So we came right on time, came right on time
Final Thoughts
If you’re a fan of Omar Baliw, then no doubt magugustuhan mo ito, full-blown album, and rags to riches type of storytelling na nakaka inspire at the same time. Binili ko agad ung album sa iTunes, supporta and napaka quality naman kasi din ng mga bitaw ni Omar Baliw sa album na ito. Parang tribute din niya sa tracks niya ung title ng album, ung linyang “Omar Baliw Po”, maririnig mo ito sa ibang niyang tracks before. I thought si Bugoy lang makaka bitaw ng hustler’s music sa ‘Pinas, may Omar Baliw din palang napaka-HALIMAW!!!